Chapter 1
Malalim na ang gabi, ngunit hindi pa din makatulog si Maui. Isa lamang ito sa mga gabing kahit anong pilit nyang matulog ay di nya magawa. Bumaba na lamang sya sa may kusina at kumuha ng isang basong red wine. Umupo sya sa may beranda sa tabi ng swimming pool at tumingin sa langit. Makailang Segundo pa ay naramdaman na lamang nyang tumutulo ang kanyang mga luha…..
Sa Makati sa isang eleganteng restaurant, busyng busy ang magkakaibigan sa pag uusap tungkol sa lakad nila kinabukasan. Ang mga babae naglalandian at nagiisip ng mga damit na dadalhin sa kanilang isang linggong bakasyon starting tomorrow. Samantalang ang mga lalaki naman ay naguusap kung ano anong mga laro ang kanilang gagawin sa isang linggong bakasyon sa tahimik na lugar.
Alas otso ng umaga kinabukasan ng umalis ang magkapatid na sina Jason at Iris, dala ni Jason ang kanyang 2011 Ford Explorer upang sunduin ang apat pa nitong mga kaibigan.Naglakbay ang magkapatid patungong Quezon City, kung saan susunduin ang kaibigan ng Ate na sina Ellie at Belle. Nuong una ay ayaw sanang isama ng lalaki ang magkapatid dahil naaasiwaan sya kay Ellie, sa una pa lamang nilang pagkikita at napansin na ng lalaki na may pagtingin ito sa kanya. Ngunit pinilit pa rin ng kanyang ate na isama ito dahil close silang dalawa.
“Are you sure you really want to bring them?” sabi nito sa kanyang ate.
“ Yes Jason, c’mon you know that they’re nice, you used to like Ellie right? and besides I don’t want to be the only girl In this vacation” sagot naman ng kapatid.
“ Im just sayin’, baka kasi kung ano na naman ang isipin nya pag sinama natin sila. She might think that I still like her.”
“Nah, I don’t think she’ll think that way, and besides that was like a year ago. She prolly doesn’t even remember that” sabi ng dalaga.
“Aight, sabi mo eh”
Ng sunduin ng dalawa ang magkapatid, dumertso agad sila sa Makati kung saan duon naman nila sinundo ang dalawa pang kaibigan na sina Larry at Chris. Alas dose na ng tanghali ng simulan nilang lakbayin ang Coastal Road patungong Cavite. Habang nagmamaneho si Jason malimit syang napaptingin sa mirror sapagkat nagkakalokohan ang mga kaibigan sa pangunguna ni Chris. Ngunit sa kamailang ulit nya itong ginawa ay panay din ang pa cute ni Ellie dito, kung kayat napapangiti na lamang ang lalaki sa dalaga.
Dalawang oras ng naglalakbay ang magkakaibigan ng maramdaman ang gutom, kung kayat tumigil muna ang anim sa isang maliit na restaurant sa gilid ng Highway.
“Are you sure we’re gonna eat here?” wika ni Ellie
“ I second the motion Ate” wika ng nakababatang kapatid na si Belle
“Ay ewan ko sa inyo, basta ako gutom na. kanina pa tayo nasa daan. Ska naiihi na ko kaya dito na din tayo kumain” Sabi ni Chris sabay takbo sa banyo
Napatingin si Jason sa Ate Iris nya at sabay ngiti ng dalaga.
“Chris wait I’m gonna use the bathroom too” wika ni Jason kay Chris na tumatakbong hawak ang pwetan at ang harap.
Tawanan ang mga babae ng makita si Chris na tumatakbo.
Nang makalabas ang dalawang lalaki sa bathroom ay nakita nilang nakahanap na ng lamesa ang mga kasama at duon dumeretso ang dalawa. Mabilis na pumunta ang dalawang binata sa mga kaibigan habang ang mga customer sa restaurant ay di maiwasan ang mapatingin sa dalawa.
Ng matapos makakain, ay dali dali ring umalis ang anim upang ipagpatuloy ang paglalakbay. After 2 hours ay nakarating rin ang magkakaibigan sa isang maliit ngunit tahimik na beach resort sa Naic Cavite. Madalian lamang ang mini vacation na ito, dahil sa sobrang busy ng mga lalaki at tamang tama nagtugma ang off nila sa linggong iyon ay naisipan nilang mag out of town upang makalanghap ng sariwang hangin. Alas tres na ng hapon iyon kayat masakit ang sikat ng araw sa balat.
“Oh my God! The sun is too hot! I don’t wanna get a tan yet” sigaw ni Belle
“Sis, heres the Sun block” wika ng ate
“Thanks. Aren’t we going inside yet guys?” sabi ni Belle
Pagbaba ng mga lalaki ng kanilang maleta ay sinalubong sila ng isang lalaki, maliit, kayumanggi ngunit matipuno ang katawan.
“Ay sir, mam andito na po pala kayo.Ako nga po pala si Juan ang hardener at all around boy po dito. Pasok po kayo,ako na po ang bhala sa mga bagahe nyo.
Habang kinukuha ni Juan ang mga maleta,sumalubong sa magkakaibigan ang asawa nito na si Anna.Sya ang Manager/receptionist ng maliit na resort. Management ang natapos na kurso ng babae. Nakatapos ito ng kursong iyon sa local college sa kanilang lungsod sa pamamagitan na din ng scholarship na binigay ng mga unang mayari ng resort na sina Don Felipe at Donya Felicita.
“Good Afternoon po Sir, Mam my name is Anna ako po ang tagapamahala dito sa resort na ito. I hope you didn’t have a hard time coming here.”
“Hi Anna, nice to meet you. It was a long travel but I can see that its worth it” wika ni Jason
Nang makapasok sa loob ng resort ang magkakaibigan, di nila maiwasan ang mamangha sa ganda na kanilang nakikita. Hindi kalakihan ang resort ngunit malinis at maayang tignan ang apat na kubong nakapalibot sa swimming pool.at ng masilayan nila ang karagatan, lalo silang namangha sapagkat napakalinis nito at kaayaaya ang buhangin at mga beach umbrellas sa may buhanginan. Makikitang masinop ang mga tagapamahala ng Resort, minimalist ang style ng buong resort iilang table at upuan lamang ang nasa may maliit na clubhouse kung saan naroon na rin ang kusina sa likod ng maliit na reception area at sa itaas ng clubhouse ang tulugan ng mga tagapagbantay ng Resort.Dinala ni Anna ang magkaibigan sa may reception area, makikitang may tatlong batang babae na naglalaro sa may maliit na mesa sa gilid ng clubhouse.
“April anak, pakikuha mo nga ng juice ang mga bisita, May anak, pakitulungan ang ate mo at isama nyo na rin si June okay? Magingat kayo” Wika ng ina
“Opo Nay.” Tumingin sa ina “Tara na May, June wag kayong magulo ha kunin nyo na muna yung mga laruan sa mesa” sabi ng ate sa mga kapatid.
Maagang nagkapamilya si Anna dahil na din sa di inaasahang pagbubuntis nito matapos makagraduate ng Kolehiyo. Mabait na bata si Anna, ang mga magulang nito ang dating tagapamahala ng maliit na nooy bahay bakasyunan lamang ng pamilyang Estacio. At ng naging resort ito, tumulong na rin si Anna sa pagme maintain ng lugar. At duon nya nameet si Juan na nuoy tagalinis ng resort. Nagkaigihan ang dalawa at naging magkasintahan hanggang naging mapusok at sa di inaasahan ay nabuntis ang babae pagkagraduate ng kolehiyo. Hindi na nasilayan ng mga magulang ni Anna ang mga apo sapagkat maaga rin itong namayapa dahil sa sakit.
Inexplain ni Anna ang mga activities na maaaring magawa sa kanilang facility.
“Sir, Ma’m we have a lot of fun activities that you can do while you’re here with us. This resort is very reserved and private. Saka wala pong makikialam sa inyo dito, even the neighbors outside this resort, lahat po sila mababait at mapagkakatiwalaan. We have 4 jetskis and a boat. You can cruise around the sea with Juan anytime of day you want. You can also do fishing if you want. We also have a small banana boat, we will take it out tomorrow. As you can see, inside the resort we have a pool and we also have a sauna room here on my right. We also have a lot of board games that you can borrow from here at the reception area. We do not have television in the whole resort because we believe that the reason why our visitors come and stay here is to take their minds off the city life.”
Sabay dating naman ng mga anak ni Anna at si Nana Patring.
“Nay, dyus po.” Wika ng bunsong si June na humigit kumulang tatlong taong gulang.
Habang ibinibigay sa mga bisita ang juice ay pinakilala ni Anna si Nana Patring sa mga bisita.
“Oh this is Nana Patring, she’s the best cook in the whole wide world. She makes the best Sinigang in this side of town.” Sabay akap ni Anna sa matanda.
‘Hello sir, mam!” wika ni Nana Patring
“And who are these cute little angels?” pagkawikay lumuhod si Chris at pinisil ang pisngi ni June.
“Waaahhhhhhhh!!!” Iyak ng bunso
“Oh no! Im sorry, I didn’t mean to. It’s just that you’re too cute!” Takot na sabi ni Chris
“hi!hi!hi!” tawa ng tatlong bata
“Naku, pasensya na po kayo sa mga anak ko,palabiro lang po talaga yang mga yan, pero mababait po sila” sabi ng ina sa mga bisita
“Mga anak dun na kayo sa labas at maglaro na. Maya maya magmemeryenda na tayo okay” wika nito sa mga anak.
Singbilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo ng mga bata palabas ng clubhouse. Tawa naman ng tahimik ang tatlong lalaki sa nangyari.Habang naguusap ang mga ito ang mga kababaihan ay naglilibot sa loob ng clubhouse. Maraming mga litrato ang nakasabit sa pader na sa palagay nila ay mga nagging bisita sa naturang resort. Mayroon ding mababasa sa isang pader ng clubhouse mga sulat ng mga bisita and how they find their stay sa resort. Pulos magaganda ang mga nakasulat sa pader, kung kayat pulos ngiti ang makikita sa mga reaksyon sa mukha ng tatlong magagandang dilag.
“ Ihahatid ko na po kayo sa mga cottage nyo” wika ni Anna
At nagsimula na itong maglakad patungo sa mga cottages sa gilid ng Pool. Tinawag na din ng mga kalalakihan ang mga babae at sumunod ang mga ito sa kanila. Dalawang cottage ang nirentahan ng magkakaibigan, isa sa mga babae at isa sa mga lalaki. Maliit lamang ang airconditioned na cottage, meron itong isang kwarto na dalawang doble deck ang laman at maliit na banyo at sala, mayroon din itong maliit na kusina ngunit hindi rin nila ito magagamit sapagkat si Nana Patring ang nagluluto ng pagkain para sa mga tao sa resort. Sa Clubhouse inihahanda ng matanda ang pagkain tuwing umagahan, tanghalian at hapunan.
Iniwan na ni Anna ang mgakakaibigan upang ito ay makapagpahinga. Pumasok na din sa kani kanilang cottages ang magkakaibigan upang ayusin ang mga gamit. Lumabas sandali si Jason upang tingnan ang pool na nasa labas lamang ng kanilang cottage. Mahilig magswimming ang binata, kaya nyang buong araw nasa tubig kung sya’y mamarapatin. Pagkaupo nya sa maliit na balkonahe ng cottage, meron syang nakitang isang babaeng naglilinis sa isa pang cottage sa harap ng kanilang tinutuluyan. Nakasquat na upo ang babae sapagkat pinupunasan nya gamit ang kamay ang sahig ng balkonahe ng kabilang cottage. Nagtaka ang binata, sapagkat wala naming nabanggit si Anna tungkol sa isa pang tauhan ng Resort. Maya maya pay lumingon ang babae at ngumiti sa binata. Napangiti na lamang din ang binata sa babae.
“Maganda sya” sabi ni Jason sa sarili “Sino kaya sya? And why is she wiping the floor with her bare hands?Kawawa naman sya”
Chapter 2
“Hi Jason, what are you doing here outside? Its too hot in here, is your AC not working ba? Come to our cottage our AC is sooo cold.” Wika ni Ellie na di namalayan ng binata na lumapit sa cottage nila.
“Oh nah, our AC’s working fine, its just that I let them finish with their stuff first then ill fix mine later.” Wika nito sa dalaga.
“Oh Okay, so what are we gonna do here the rest of the day? I think im gonna get bored! Theres no WIFI in this place.I can deal with no TV and radio, but no WIFI? OMG Jason, that’s just terrible” wika ng dalaga.
“Well its okay, I mean I really went here to have a nice vacation, I don’t want to see or hear anything from the city until next Monday that is….its okay Ellie we’ll just hang out later, I’ll call the guys so we can stroll on the beach.” Sabi ng binata.
“Okay, I’ll call the girls so we can get ready na” wika ng dalaga, sabay takbo patungo sa Cottage ng mga babae.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay sabay sabay nagtungo ang mga ito sa may beach side. Alas sinko kuwarentay sinko na ng mga oras na iyon, ang kaninang haring araw na pagkataas taas ay unti unti ng bumababa sa may dulo ng dalampasigan. Nakita nila ang panganay na anak nila Anna at Juan na si April.
“Malapit na daw pong kumain sabi ni Nana Patring.” Wika nito “Mga ala sais i medjas daw po” sabay takbo ng bata papunta sa resort
Napangiti ang mga magkakaibigan ng marinig ang winika ng bata. Meron pa silang 45 mins para libutin ang buong resort. Tahimik ang kapaligiran, mukhang safe ang resort dahil maraming ilaw sa paligid nito at may fence din sa magkabilang gilid ng facility. Sa labas naman ng resort sa may dalampasigan, maririnig ang mga batang naglalaro sa tabi ng mangilan ngilang banka.Humiga sa may beach chair sina Jason at Larry habang hinahabol naman ni Chris ang tatlong dalaga. Napatingin sa kaliwa ng beach si Jason, nakita nyang muli ang babae na kanina na nyang nakita sa kabilang cottage. Buhat buhat nito ang bunsong anak ni Anna na si June habang hinahabol ni May. Masayang pinagmamasdan ng binata ang eksenang iyon, mayroong syang sayang naramdaman sa nakita. Lalapitan na sna nya ang mga ito nang lumapit si Juan at sinabi na kakain na. Tinawag ni Larry at Jason ang mga kaibigan upang makabalik na sa resort. Ng ibaling muli ni Jason ang tingin sa babae, ay nawala na lamang itong bigla. Kung kayat sabay sabay ng bumalik ang magkakaibigan sa resort.
Matapos kumain ay bumalik na ang magkakaibigan sa kanilang cottages, ang mga lalaki ay tumambay muna sa may balkonahe ng cottage ng mga babae. Malamig ang simoy ng hangin ng gabing iyon, rinig nila ang tubig sa may dalampasigan at mga tuko sa paligid. Nilabas ni Belle ang kanyang Ipod touch na may Bose Speaker at makikitang nagkakasiyahan ang lahat. Nag sasayaw si Chris habang ang lahat ay tinatawanan sya dahil di naman talaga sya marunong magsayaw. Napatawa din si Jason ngunit malipas ang limang minuto ay Lumipat ito sa balkunahe nila at kumuha ng isang boteng beer. Umupo muna sa kanilang balkunahe si Jason at napatingin sa langit. Napatingin sa may balkunahe sa itaas ng clubhouse ang binata.Napansin nyang may nakaupo duon.
“Sya ulit? Bat sya nandun? Sino ba sya?” bulong nito sa sarili.
Dahil busy ang mga kaibigan sa kabilang cottage ay minabuting puntahan ni Jason ang babaeng kanina pa nya gustong makilala. Umakyat ito sa may hagdanan sa gilid ng club house patungong balkunahe sa itaas.
Chapter 3
Tahimik na nakaupo si Maui sa balkunahe nakatingin sa mga bisita habang umiinom ng isang basong red wine ng makita nyang may papalapit na lalaki sa kanya. Alam nyang bisita ito ng resort dahil namukaan nya ang binata nung sya ay naglilinis sa isang balkunahe ng isang cottage kaninang hapon. Akmang na syang tatayo upang pumasok sa loob ng kwarto ng bigla itong kausapin ng binata.
“Hi” wika ni Jason. “Kamusta? those are my friends, Are they too loud? I can tell them to keep it quite if its too much?”
Napangiti na lang ang dalaga at sinabing. “Okay lang po, papasok na din po ako sa loob”
“ah, sandali lang. Im Jason by the way” sabay labas ng kamay upang makipag shake hands sa babae.
“Mabait naman pala” sa isip ni Maui. “Hello po, Ako po pala si Maui, kasambahay po dito.
“Kasambahay? pero marunong uminom ng wine? sosyal ha” bulong sa sarili ng binata.
“ano po yun?” sagot ni Maui
“Oh nothing” sabi ni Jason. “Gusto mong sumali sa baba? kanina pa kasi kita nakikitang nakatingin sa kanila.Ipapakilala kita sa kanila if you want?
“naku hindi na po, nakakahiya naman. tatapusin ko lang po itong iniinom ko at matutulog na din po ako.” Sambit niya
“Huwag kang magalala, mababait naman yang mga yan, maingay nga lang pero masarap namang kasama.” wika ni jason
“hindi na po tlga, kailangan ko din pong gumising ng maaga para sa mga trabaho ko bukas.”
“Okay, pero sabi mo uubusin mo muna yang iniinom mo. puno pa naman yang baso mo, so malamang medyo magtatagal ka pa dito sa balkunahe, kung okay lang sayo na dito muna ko kwentuhan tayo.” ani ni Jason
“Hindi po ba kayo hahanapin sa ibaba?”
“ Hindi naman siguro, baka nga akala nila ay natutulog na ako.”
“ O sige po kung yun ang gusto nyo,pero baka po mabore lang kayo sa akin. hindi po ako pala kwento.” ani ni Maui
“okay lang, ako na lang ang magku kwento.” sabi ng binata.
“Kayo po ang bahala”
Nagsimula ng magkwento si Jason tungkol sa mga kaibigan nya habang pinanonood nila ang mga ito. kung gaano kasayang kasama si Chris dahil sa mga antics nito, Si Larry na napakaseryoso na alam nyang may gusto sa kanyang ate na si Iris. Ang magkapatid na Ellie at Belle, kung gaano ka kikay ang dalawa.
Tama nga si Maui, hindi nga ito pala kwento, puro ngiti lamang ang nakikita nya dito sa bawat kwento nya. hindi na nila namalayan na almost 12am na pala ng madaling araw,napasarap ang kwento nya at hindi naman din nabore si Maui kung kayat kahit ubos na ang isang basong wine nito ay hindi na rin ito umalis sa kinauupuan nya. Hanggang lumabas si Nana Patring at tinawag si Maui.
“Apo, alas dose na ah. anjan ka pa ba sa labas?” halatang kagigising lamang ng matanda dahil nakakunot nuo pa itong lumabas ng balkunahe.
“Ay Nana Patring, opo papasok na din po ako.Napasarap lang po ang kwentuhan.” sabi ni Maui sa matanda.
“Ay sir, anjan po pala kayo. Gusto nyo po ba ng kape? ipagtitimpla ko po kayo.” sabi ng matanda.
“Naku, hindi na po Nana Patring, bababa na din po ako at maaga pa po kami bukas.” wika ng binata.
“Sigurado po kayo? Sige po good night na po sir, este good morning na po pala” ani ni Nana Patring
“Good night Maui, nice talking to you”
“Sige po sir, Good Night na din po. Salamat po”
At inalalayan ni Maui na pumasok sa kwarto si Nana Patring.
Nakangiting bumaba ang binata patungo sa kanyang Cottage, nasa balkunahe pa rin ang mga kaibigan nya maliban kay Belle, dahil nakatulog na to at kailangan daw nya ng beauty sleep.Nagulat ang mga kaibigan nang makitang pababa ng hagdan si Jason.
“Hey bro where have you been?” wika ng ate nito
“we thought you were asleep kanina pa dude” sabi ni Larry
“nah, I was just upstairs watching you guys.” Nakangiting sinabi nito.”alright, im sleepy na, I gotta go to sleep na. We have a lot to do tomorrow, so you guys better go to sleep na din.”
Nagtaka naman ang apat sa nakita,para itong galing langit pagkat hindi nila mawari kung saan naggaling ang ngiti sa mga labi nito. Matapos makapasok ni Jason sa loob ng Cottage ay isa isa na ring nagsipasukan ang mga kaibigan nito upang magpahinga.
“Good Night Everyone” isang malakas n Sigaw ni Chris mula sa kanilang Kwarto. sabay hagis ng unan sa kanya ng dalawang kaibigan.
“Thats too loud dancing king!”
“Ouch!” alright! Geezz!
“good night everyone” pabulong na sinabi.
sabay tawa ng dalawa nitong kaibigan.
Chapter 4
Nakagawian ni Maui na gumising ng ala syete ng umaga at magswimming sa pool. Exercise nya ito araw araw, walang palya ang pag swimming nya simula ng ito ay nagsimulang manirahan sa resort. Pinapayagan naman ito ni Nana Patring sapagkat aniya,wala pa namang gising na bisita kapag ganoon oras. Hindi namalayan ni Maui na habang ito ay nagsu swimming may isang pares na mga mata ay ditoy nakatitig.
maagang nagising si Jason, ala sais y media pa lamang ay nagising na ito dahil sa lakas ng hilik ni Chris. Umihi ito ng ganong oras at hindi na ito nakatulog. at dahil masyado pang maaga siya na lamang ang gumawa ng kape para sa sarili. dahil instant coffee naman ang nasa kusina, hindi na ito nahirapang gumawa para sa sarili. nakasilip sa may bintana sa salas na nakaharap sa pool ang binata habang umiinom ng kape. ang sabi nito sa sarili ay magsu swimming ito matapos ubusin ang kapeng ginawa. Ng bigla na lamang nyang nasilayan si Maui.
Inalis ni Maui ang tapis, at namangha si Jason sa nakita. Naka two piece bathing suit ang dalaga. At di maalitala ang kagandahan ng hugis nito. Bilugan ang hinaharap, maliit ang beywang at maganda ang balakang.ng tumalikod ang babae upang ilagay sa upuan ang tapis napansin din ng binata na maganda ang puwetan nito. Korteng coke bottle ika nga ng iba. Napansin din ng binata na makinis ang balat ng dalaga,maputi ito tulad ng mga kaibigan nyang mayayaman. Kung kayat napa isip ito. “Kasambahay lang ba talaga sya dito sa resort? Bakit ganyan sya kaganda? bakit ganyan sya kakinis? ano kaya ang tinatago ng babaeng ito?